Sunday, February 26, 2006

Mega-Tonsilitis

Kapag nakikita ko ang ginagawa ni GMA sa ating mga Pinoy, naaalala ko nung unang beses akong tinanggalan ng lalamunan. Anim na taong gulang ako nun. Nung bata kasi ako, isang ubo ko lang - winawasak na nila agad ang lalamunan ko. Isang imik - boom - nasa ospital na ‘ko - wala ng lalamunan.

Nung napanood ko ang deklarasyon ni GMA ng Proklamasyon 1017, naalala ko ang paglalarawan sa akin nina Mama at Papa tungkol sa pagtanggal sa aking lalamunan: “Aalisin ang lalamunan mo. Pupunta ka sa ospital, ooperahan, at dun ka matutulog. Pero ok lang dahil pagkatapos ng operasyon, puwede kang kumain ng kahit gaano karaming ice cream na gusto mo.”

Klarong-klaro na isa itong kagaguhan. At isa sa mga tabletang pilit ipinalunok sa akin ng mga magulang ko noon at ngayo’y ipinapalunok sa atin ni GMA: oo, maaari kang kumain ng kahit gaano karaming ice cream na gusto mo, pero bago yan hihiwain ko muna ang iyong lalamunan.

Ang reaksyon ng gobyerno sa mga taong ipinaglalaban ang demokrasya ay isang giyera laban sa kanilang mga matatapang na lalamunan. Isang giyera laban sa mga kritiko na nagpapanggap na giyera laban sa krimen.

Kinakatakutan ng gobyerno ang paglakas ng boses ng sambayanan sa puntong gumagalaw na sila gamit ang mga paraang klarong-klaro ay iligal. Warrantless arrests? Pagbabawal sa mga rally? Pagkontrol sa media? Ano ito, Poland, 1970? Wasto ba ang mga ito? Isang nakakabaliw na kalokohan na pinapabayaan natin itong mangyari.

Wala ng imposible sa gobyernong ito. Nakakatakot isipin na ang lahat ng ito ay simula pa lamang. Iyan ang dahilan kung bakit ang paglaban sa panahong ito ay napaka-importante. Aksyon ang solusyon - bago dumating sa punto na sa bawat sandali ng buhay natin kung kailan papayagan nila tayong kainan ang kahit gaano karaming ice cream na gusto natin, wala na tayong kapabilidad na lumunok.

About Me

My photo
NintendoDS and pencils. That's all I need.