tuesday ng hapon kasama sina dae at jio involved the necessary flaming wings, yamanan ni jio dahil nanlibre siya, ang pagiging korean ni dae glaring more than ever with pieces of dialogue like I’m born in korea yet made in the philippines, at ang pagkakatuklap ng balat ni dae dahil sa isang evil na rough surface sa hagdan, at ang creepy discovery na nagtatago siya ng mga bandages of all kinds sa wallet niya.
nung gabi tinapos ko yung paper ko tungkol kay john cena entitled what else but “cena sucks” na oh yea 21 pages double-spaced kaya niyo yun ha ha 21 pages tungkol sa isang taong medyo tagilid, at mga apat na oras pagkatapos nun (binilang ko kasi I’m competitive e) natapos na sa wakas ni jio paper niya sa eng. with the help of my googling skillz
prevalent ang mga sabogan na mga usapan, tulad ng paghahanap ng lahat ng posibleng synonyms sa salitang ‘disorder’
ginawa ko rin lahat para malagay ang mga paborito kong mga salitang ‘magnitude,’ ‘threefold’ at ‘hence’ sa paper niya kahit na halatang pilit na pilit.
Hence, the magnitude of the case at hand shall be argued as explained in the threefold objective of this paper.
tas ok ang wednesday kasi nagpunta ko sa isang meeting sa kublai’s at ang dami kong nainom na libreng tubig kasi ang OC nung waiter, pag 1/3 na lang ang laman ng baso ko, pupunuin niya agad
at dahil mga pito lang ata kaming pumasok sa photojourn, hindi na tinuloy ni tata gil ang class. iba talaga pag CPP-NPA ang teacher mo, very open. anlabo
gusto ko ang photojourn class, kasi kickass si tata gil puro war photography niya na sobrang nakakabilib ang pinapakita, pero napakahumble pa rin. ok din mga kaklase ko, sina jerick, nelly, at bianca na sobrang bait sa akin
nung gabi, sa consultancy work with ateneo, ang dami kong nakuhang libreng donuts dahil sa kasakiman ni caloy
Pia: Would you like to take home one of the boxes?
Caloy: Just one box?
caloy idol na talaga kita.
nung gabi, sober naman kami, na ironic kasi andami naming oras since wala kaming homework. nanood na lang kami ng american idol kaso nakakaaasar ang corny kaya starstruck na lang. after 1 second, pinatay na namin ang tv at pinag-usapan na lang ang high school conflicts/mga past issues sa cue habang nag-iinuman ang mga french guys sa kabilang apartment.
medyo hindi nakakacontribute sa happiness ng mundo ang mga kaklase kong artsy/feeling/oo na nabasa niyo na lahat ng sci-fi classics at comics.
lalo na pag naglalabas sila ng angst tungkol sa mga random na bagay parang gusto kong sabihin chill lang steady steady wala namang magagawa ang puro salita lang e, tulad nung tuesday galit na galit sila sa U.S. at sa globalization.
sige oo na I get it pero please bago kaya magspeech sa class, tapon niyo muna yung mga suot niyong nikes at chucks, at bat ba kayo galit na galit sa starbucks planner. personally, wala kong pakialam sa planner na yun pero wag niyo naman sayangin ang oras ng majority ng class na pumasok expecting to be lectured on british history and not to listen to a discussion on how the planner’s a symbol of everything that’s evil in the planet.
konti na lang susulatan ko na kayo ng letter
“We’re so engrossed in ideology that we forget reality.” – sir deza, prof sa theory
in other more relevant news, napaisip talaga ako dahil pinag-uusapan namin kagabi ang destiny. kasi we talked about it in a very un-emo manner na ok. sabi ni jio pano kaya if even just a single factor from your past occurred differently, or you choose this over that, tipong imagine how things would be like now
Upside-down trees swingin’ free,
Busses float and buildings dangle:
Now and then it’s nice to see
The world—from a different angle
- Shel Silverstein
miss na miss ko na ang super, seryoso. thank you tim pammy gino tals pepe milan for the encouragement. thank you thank you thank you
walang masama sa muling pagsisimula
- sir vim