Thursday, February 01, 2007

book binding

Jack: Stand up.
Sawyer: Why, you wanna see who's taller?



kagabi nung kumakain kami ni jio sa may ilalim nung bagong blue na bridge sa katipunan (oo, yung may humps), narealize ko kung bakit hindi ko tinuloy ang yosi. kasi kahit na gustong gusto ko yung amoy, similar sa addiction ko sa pentel pens, e ayoko ng usok.

bat ba may humps sa blue bridge? dumaan kami kaninang umaga, nung papunta ko sa math class tapos papunta si jio sa ateneo. talagang binagabag kami

jio: para sa mga bike yan

sige.

di ko na sana ipapapanood sa kanya yung first episode ng heroes kagabi kasi midnight na at siguradong ma-addict siya at baka manood na lang kami hanggang umaga. kaso nagbabasa kami ng mga magazines ng LOST kahapon tapos napunta kami sa scientific talk about electromagnetism tapos bigla ko na lang sinabi na kaya kong sirain ang space time continuum, sabi ko, tignan mo yung clock, di na umaandar, pinatigil ko. tapos sa conversation namin, bigla ko nalang sinisingit yung words na 'save the cheerleader, save the world' tas feeling ko di na makayanan ni jio ang heroes adiksyon kaya pinanood na namin ang 1st episode

pinagawa ko na yung bago kong ID kanina, red t-shirt suot ko tas red yung background kasi nga maroons rule!! wehh. nagflofloat yung ulo ko sa ID

break ako ngayon, free wifi kaya dapat i-abuse, mag-aaral ako para sa spanish exam bukas na potek i can feel it paragraph writing na naman na for sure sabog na naman mga ilalagay ko

pupunta dapat kami ngayon sa cinekatipunan (?) kaso si jio sumama sa shang, sohoree di kasi ako jock sa high school musical e

hintayin ko si victor dito, baka magfootball kami sa dilim mamaya sa sunken, gabi lang daw kasi siya puwede. sohoree wala kasi akong mga tv show tulad mo e

medyo whiny ako this week, sana matapos na lahat ng crap sa school kasi minsan wala ng sense yung ibang mga prof

prof: tama naman ang communism, at dapat sumasali kayo sa rally, ayaw niyo ba nun walang pasok? ako gusto ko nun e. sige early dismissal tayo ngayon basta basahin niyo yung mga handouts. ha anong handouts? e di ba nag-iwan ako dun kay ate sa xerox-an sa baba? ha wala, a baka nakalimutan ko, sige bigay ko dun mamaya, basta magbasa kayo a, exam tayo bukas, ingat kayo delikado ngayon baka maholdap kayo pauwi
ako (deep inside): yo cut the crap cuz nobody wants to hear it dudio

last week nalaman ko na binabasa pala ng isa kong prof this sem ang blog ko, nakakaasar! siyempre sinasabi ko lang yun para kunwari cool ako

About Me

My photo
NintendoDS and pencils. That's all I need.