Sunday, February 25, 2007

Bwahaha

That it will never come again is what makes life so sweet.

- Emily Dickinson



Never again. Not falling for it all over again.

I am not going back to the dark high school days.

I am not going to fall for it.

I'm much, much stronger now to be a part of this joke.

Sorry, but yes, I've busted your plan.

Saturday, February 17, 2007

Aok

"Huwag po tayong magtulakan. Malalaki na tayo."
- guard sa LRT2


Ok go.

Thursday, February 08, 2007

Good times

tuesday ng hapon kasama sina dae at jio involved the necessary flaming wings, yamanan ni jio dahil nanlibre siya, ang pagiging korean ni dae glaring more than ever with pieces of dialogue like I’m born in korea yet made in the philippines, at ang pagkakatuklap ng balat ni dae dahil sa isang evil na rough surface sa hagdan, at ang creepy discovery na nagtatago siya ng mga bandages of all kinds sa wallet niya.

nung gabi tinapos ko yung paper ko tungkol kay john cena entitled what else but “cena sucks” na oh yea 21 pages double-spaced kaya niyo yun ha ha 21 pages tungkol sa isang taong medyo tagilid, at mga apat na oras pagkatapos nun (binilang ko kasi I’m competitive e) natapos na sa wakas ni jio paper niya sa eng. with the help of my googling skillz

prevalent ang mga sabogan na mga usapan, tulad ng paghahanap ng lahat ng posibleng synonyms sa salitang ‘disorder’

ginawa ko rin lahat para malagay ang mga paborito kong mga salitang ‘magnitude,’ ‘threefold’ at ‘hence’ sa paper niya kahit na halatang pilit na pilit.

Hence, the magnitude of the case at hand shall be argued as explained in the threefold objective of this paper.

tas ok ang wednesday kasi nagpunta ko sa isang meeting sa kublai’s at ang dami kong nainom na libreng tubig kasi ang OC nung waiter, pag 1/3 na lang ang laman ng baso ko, pupunuin niya agad

at dahil mga pito lang ata kaming pumasok sa photojourn, hindi na tinuloy ni tata gil ang class. iba talaga pag CPP-NPA ang teacher mo, very open. anlabo

gusto ko ang photojourn class, kasi kickass si tata gil puro war photography niya na sobrang nakakabilib ang pinapakita, pero napakahumble pa rin. ok din mga kaklase ko, sina jerick, nelly, at bianca na sobrang bait sa akin

nung gabi, sa consultancy work with ateneo, ang dami kong nakuhang libreng donuts dahil sa kasakiman ni caloy

Pia: Would you like to take home one of the boxes?
Caloy: Just one box?

caloy idol na talaga kita.

nung gabi, sober naman kami, na ironic kasi andami naming oras since wala kaming homework. nanood na lang kami ng american idol kaso nakakaaasar ang corny kaya starstruck na lang. after 1 second, pinatay na namin ang tv at pinag-usapan na lang ang high school conflicts/mga past issues sa cue habang nag-iinuman ang mga french guys sa kabilang apartment.

medyo hindi nakakacontribute sa happiness ng mundo ang mga kaklase kong artsy/feeling/oo na nabasa niyo na lahat ng sci-fi classics at comics.

lalo na pag naglalabas sila ng angst tungkol sa mga random na bagay parang gusto kong sabihin chill lang steady steady wala namang magagawa ang puro salita lang e, tulad nung tuesday galit na galit sila sa U.S. at sa globalization.

sige oo na I get it pero please bago kaya magspeech sa class, tapon niyo muna yung mga suot niyong nikes at chucks, at bat ba kayo galit na galit sa starbucks planner. personally, wala kong pakialam sa planner na yun pero wag niyo naman sayangin ang oras ng majority ng class na pumasok expecting to be lectured on british history and not to listen to a discussion on how the planner’s a symbol of everything that’s evil in the planet.

konti na lang susulatan ko na kayo ng letter

“We’re so engrossed in ideology that we forget reality.” – sir deza, prof sa theory

in other more relevant news, napaisip talaga ako dahil pinag-uusapan namin kagabi ang destiny. kasi we talked about it in a very un-emo manner na ok. sabi ni jio pano kaya if even just a single factor from your past occurred differently, or you choose this over that, tipong imagine how things would be like now

Upside-down trees swingin’ free,
Busses float and buildings dangle:
Now and then it’s nice to see
The world—from a different angle
- Shel Silverstein

miss na miss ko na ang super, seryoso. thank you tim pammy gino tals pepe milan for the encouragement. thank you thank you thank you

walang masama sa muling pagsisimula
- sir vim

Thursday, February 01, 2007

book binding

Jack: Stand up.
Sawyer: Why, you wanna see who's taller?



kagabi nung kumakain kami ni jio sa may ilalim nung bagong blue na bridge sa katipunan (oo, yung may humps), narealize ko kung bakit hindi ko tinuloy ang yosi. kasi kahit na gustong gusto ko yung amoy, similar sa addiction ko sa pentel pens, e ayoko ng usok.

bat ba may humps sa blue bridge? dumaan kami kaninang umaga, nung papunta ko sa math class tapos papunta si jio sa ateneo. talagang binagabag kami

jio: para sa mga bike yan

sige.

di ko na sana ipapapanood sa kanya yung first episode ng heroes kagabi kasi midnight na at siguradong ma-addict siya at baka manood na lang kami hanggang umaga. kaso nagbabasa kami ng mga magazines ng LOST kahapon tapos napunta kami sa scientific talk about electromagnetism tapos bigla ko na lang sinabi na kaya kong sirain ang space time continuum, sabi ko, tignan mo yung clock, di na umaandar, pinatigil ko. tapos sa conversation namin, bigla ko nalang sinisingit yung words na 'save the cheerleader, save the world' tas feeling ko di na makayanan ni jio ang heroes adiksyon kaya pinanood na namin ang 1st episode

pinagawa ko na yung bago kong ID kanina, red t-shirt suot ko tas red yung background kasi nga maroons rule!! wehh. nagflofloat yung ulo ko sa ID

break ako ngayon, free wifi kaya dapat i-abuse, mag-aaral ako para sa spanish exam bukas na potek i can feel it paragraph writing na naman na for sure sabog na naman mga ilalagay ko

pupunta dapat kami ngayon sa cinekatipunan (?) kaso si jio sumama sa shang, sohoree di kasi ako jock sa high school musical e

hintayin ko si victor dito, baka magfootball kami sa dilim mamaya sa sunken, gabi lang daw kasi siya puwede. sohoree wala kasi akong mga tv show tulad mo e

medyo whiny ako this week, sana matapos na lahat ng crap sa school kasi minsan wala ng sense yung ibang mga prof

prof: tama naman ang communism, at dapat sumasali kayo sa rally, ayaw niyo ba nun walang pasok? ako gusto ko nun e. sige early dismissal tayo ngayon basta basahin niyo yung mga handouts. ha anong handouts? e di ba nag-iwan ako dun kay ate sa xerox-an sa baba? ha wala, a baka nakalimutan ko, sige bigay ko dun mamaya, basta magbasa kayo a, exam tayo bukas, ingat kayo delikado ngayon baka maholdap kayo pauwi
ako (deep inside): yo cut the crap cuz nobody wants to hear it dudio

last week nalaman ko na binabasa pala ng isa kong prof this sem ang blog ko, nakakaasar! siyempre sinasabi ko lang yun para kunwari cool ako

About Me

My photo
NintendoDS and pencils. That's all I need.